Iniimbestigahan na ng Senado ang pagtaas umano ng bilang ng mga kaso ng pagdukot at iba pang krimen sa bansa. Lumabas sa pagdinig na ang suspek sa ilang krimen ay mga sibilyang binigyan ng lisensya ng pulisya para maging protective agents sana ng mga VIP.
Lumitaw din sa pagdinig na labinglima sa dalawamput siyam na kidnapping cases ay konektado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Inihahanda na rin ng komite ang pormal na report dito at kung dapat bang ipatigil muna ang operasyon ng POGO sa bansa dahil sa mga krimeng naiuugnay dito.
Kausapin natin ang tagapagsalita ng PNP na si Police Colonel Jean Fajardo.
Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/
Follow our social media pages:
• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines